Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, isinagawa ng Pamantasan ng Lungsod ng San Pablo sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipino at Tanggapan ng Usaping Kultural at Sining katuwang ang Umuusbong na Samahang may Atikha sa Filipino (USAF), PLSP Supreme Student Government at Political Science Society (POLSSO) ang iba’t ibang patimpalak alinsunod sa temang: Filipino at Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha na ginanap noong Agosto 22 hanggang 31 sa Pamantasan ng Lungsod ng San Pablo.

Matatandaang ito ang unang pagkakataon na muling nakapagsagawa ang pamantasan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa face-to-face na set-up matapos ang dalawang taong pagdaraos nito sa online na pamamaraan.

Kaugnay ng nabanggit, ang mga patimpalak na isinagawa ay ang Pagsulat ng Sanaysay, Paggawa ng Digital Poster, Balagtasan, Biglaang Talumpati at Lakan at Lakambini ng Wika na aktibong nilahukan ng mga mag-aaral buhat sa iba’t ibang kolehiyo.


Buwan ng Wika 2022 (SOURCE: BAGONG SINAG/ THE OFFICIAL STUDENT PUBLICATION OF PAMANTASAN NG LUNGSOD NG SAN PABLO)

Skip to content