PLSP, MAHAL KA SA AMING TUNAY

Titik: Milagros B. Alimane at Neil Albert Jocson
Musika: Ron Alvin Replan
Areglo: Noli Bigol
Koreograpo: Dr. Joel Melecio Cabael


Pamantasan ng Lunsod ng San Pablo
Tahanan ka ng pag-asa
Oh mahal naming PLSP
Mananatili sa puso kailan pa man.


Pamantasan ng Lunsod ng San Pablo
Pagpupugay ang laan naming sa’yo
Tiwala sa Diyos, mahusay kang lingkod
Liwanag kang tanglaw sa’min saan pa man.


Oh PLSP… PLSP…
Handog ka ng Maykapal!
Oh PLSP… PLSP…
Daan ka tungo sa tagumpay!


At paglilingkuran kita
Oh dakilang paaralan
Isusulong ang dunong mo
Isusulong ang ngalan mo
Isusulong ang adhikain mo.


Oh PLSP… PLSP…
Handog ka ng Maykapal!
Oh PLSP… PLSP…
Daan ka tungo sa tagumpay!

Mahal Ka Sa Aming Tunay…
Mahal Ka Sa Aming Tunay…
Mahal Ka Sa Aming Tunay!


Skip to content